NUFSAA is the blog for Filipino scholars and alumni of Nagoya University (NU), Japan. The alumni are those who earned degrees in the Bachelors, Master's and Doctor's programs at NU. The scholars include visiting students who undertook non-degree programs, special seminars/training including the intensive six-month Japanese language course.

Saturday, July 9, 2016

NU opens Philippine satellite campus; admits first Filipino scholar to the Transnational PhD Program

Manila, Philippines--- The Nagoya University (NU) in Japan formally opened its Philippine satellite campus and admitted its first Filipino scholar to the NU Transnational Program for Leading Professionals in Asian Countries during the Opening and Entrance Ceremony held on 8 March 2016 at Acacia Hotel, Manila. The ceremony was attended by more than a hundred guests and participants from international agencies based in the Philippines, national agencies and state universities and colleges of the Philippines and Japan, and scholars from Cambodia, Lao PDR, Myanmar, Thailand and Vietnam.
 The following officials graced the ceremony with their warm greetings and welcome messages: NU President Seiichi Matsuo, University of the Philippines President Alfredo E. Pascual, Minister Hiroyuki Uchida of the Japanese Embassy based in Manila, Mr. Hideto Matsumoto of the Higher Education Bureau of the Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology (MEXT) of Japan; and Dr. Cristino M. Collado, President of the Nagoya University Alumni Association-Philippine Branch.

Mr. Ronilo O. De Castro, Science Research Specialist II of the Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (PCARRD) of the Philippine Department of Science and Technology (DOST) was introduced at the ceremony as the first Filipino scholar to be admitted in the Transnational PhD program. Mr. De Castro will pursue the PhD in Bioagricultural Sciences with major discipline in Animal Science starting April semester 2016. Mr. De Castro, a specialist in swine nutrition, will conduct his research at the UPLB Animal Science Laboratory with academic advisers and professors from NU and co-supervisor from UPLB.

Dr. Fumio Isoda, Director of the NU Asian Satellite Campuses Institute (ASCI) said that the Philippine satellite campus is the 6th satellite campus established by NU in Asia to implement the hybrid PhD by Research program called NU Transnational PhD for Leading Professionals in Asian Countries. Through this program, highly qualified senior and mid-level Filipino executives of Philippine government agencies can pursue their doctorate degrees at NU without having to spend three years of full-time study in Nagoya, Japan The focus areas of the PhD program are Agriculture, International Development, Law, and Medicine. Other satellite campuses of NU have been established in Cambodia, Vietnam, Mongolia, Uzbekistan, and Laos. Possibilities are being explored to establish satellite campuses in Indonesia and Myanmar.
 During the ceremony, Dr. Sanae Ito, Dean of the NU Graduate School of International Development, and Dr. Kazuhito Kawakita, Dean of the Graduate School of Bioagricultural Sciences presented a glimpse of the two focus areas of the satellite campus in the Philippines, namely: Agriculture Sciences and International Development.

Other Filipino candidates will be awarded during the October semester of 2016.
The satellite campus in the Philippines is based at UPLB Graduate School. Dr. Jose V. Camacho, Jr currently serves as the Graduate School dean, while Dr. Editha C. Cedicol, serves as the director of the NU Asian Satellite Campus-Philippines. (Contributed by NUASC-Phil -E. C. Cedicol)

NUAL-PH supports NU International Program campaigns at DLSU & UPLB



NUAL-PH VP welcomes the guests at DLSU
Nagoya University Alumni Association – Philippine Branch supported the International Program Campaign about Nagoya University conducted by Dr. Joyce Cartagena (Designated Associate Professor, Graduate School of Bio-agricultural Sciences), Dr. Peter Butko (Designated Professor, Department of Chemistry, Graduate School of Science) and Dr. Bert Fischer (Designated Professor, Department of Chemistry, Graduate School of Science).  The first campaign was held at De La Salle University, Manila on Feb. 23, 2016. Then a similar campaign was held on Feb. 24, 2016 at UPLB. Members of the NUAL-Philippines actively supported the campaign by arranging the venue, serving as emcees and presentors and by inviting participants to the event.


Program of the event at DLSU, Manila

The NU Profs at DLSU, Manila

At DLSU, Manila

Saturday, June 20, 2015

Ganito kami NOON, Paano kayo NGAYON?


Isang pagtitipon ng mga Pinoy sa Nagoya noong Hunyo 5, 2015


1989 noong ako’y magsimulang mag-aral sa Nagoya Daigaku o Meidai. Makaraan ang lima’t kalahating taon noong 1994 ay natapos ko ang aking pag-aaral at nakamit ang antas na M. Eng. at D. Eng. Makaraan ang higit dalawampu't taon ay bumalik ako sa Meidai bilang isang “alumnus” at “visiting professor” mula sa De La Salle University noong Hunyo 2015. Sa tagal ng panahon na yon napansin ko ang pagkaka-iba ng kabuhayan namin NOON at ng mga iskolar ng Meidai NGAYON. Hayaan niyo akong ma-ikwento ang aking mga obserbasyon.



Komunikasyon. NOON ay wala pang internet. Ang telepono ang pinakaparaan namin upang makausap ang aming mga mahal sa buhay. “Long distance” ang tawag mula sa Japan hanggang Pilipinas. Kung ikaw ay madaling ma-homesick katulad ng marami sa amin, magbudget ka ng isang libong yen bawat linggo at makakausap mo ang iyong    pamilya ng mga 20 minuto. Buti na lang may mga taga-Iran na nagbebenta ng mga telephone card na masmatagal maubos ang load. Kung ikaw ay nakatira sa Meidai Sakurayama Kaikan, ang telepono ay nasa labas. Isipin mo kung gaano kalamig tuwing winter sa Nagoya at maski na balot na balot ka e naginginig ka pa rin habang kinakausap ang iyong misis o mister. “Hello, honey, sana nandito ka para mag-init ang kapaligiran ko,” ang iniisip mong sabihin sa kausap mo. NGAYON, dahil sa may internet na, e, napakadaling kausapin ang pamilya mo. May skype, viber at facebook. Kung libre ang internet mo dahil sa may wifi o dahil nasa loob ka ng campus,  eh di libre rin ang komunikasyon mo. Diyan nalugi ang mga taga-Iran. Kaya ngayon iba na business nila – Kebabs na! Di ba pinipilahan ngayon ang “megaKebab” sa Japan.
 
NGAYON: Pinipilahan ngayon ang MegaKebab sa Osu.


Sulat. Pagdating namin sa Japan, ang una naming inalam ay kung nasaan ang Post Office – yung may simbulo na parang letrang “T”. NOON, ang sulat ang pinakamatipid na paraan para maipaalam mo ang buhay mo sa pamilya, nobyo o nobya mo. Ang  pagpapadala at paghintay ng liham o post card ay isa sa aming pastime sa Japan. Pagkagaling namin sa pamantasan ang una naming titignan ay ang aming post box. NGAYON, ang pagpapadala ng mga mensahe ay napakabilis sa pamamagitan ng text sa mga bagong telepono, kompyuter at sa facebook. Hindi lang letra ang mababasa mo, pati mga letrato ay makikita mo. NOON, nagpapadebelop pa kami ng mga letrato namin dahil hindi pa uso ang digital camera. Ay naku,  napakamahal ng debeloping maski na sa NU Coop. At siyempre, kapag marami kang letratong isiningit sa sulat, eh, nagmamahal ang babayaran mo sa post office. Magtitipid ka na naman sa pagkain mo.


Shopping. NOON ang bilihan namin ng mga damit lalong lalo na ng mga jacket ay sa Komehyo "ukay ukay." Madalas nga ang biruan namin eh, kung buhay pa kaya ang may-ari nitong coat na binibili namin. NGAYON may UNIQLO at GU na! Murang mura na ang mga damit sa Japan ngayon.
NOON. Ang "ukay ukay" noon ay nasa kalye lang. Ngayon maayos na ang ukay ukay sa Komehyo

NGAYON. Mura-mura na ang damit sa Japan gaya dito sa UNIQLO.

NOON: Midnight shopping ang uso noon. Furniture, TV at iba't ibang gamit sa bahay ay makokolekta mo ng libre. Pawis at puyat lang ang kapalit.




Eat-Out. NOON, ang paborito naming kainan ay ang Sugakiya. Sa Sugakiya ay mura ang ramen. May soft ice cream pa. Ang Mister Donut sa Motoyama ay tambayan namin tuwing tag-init. Malamig at libre ang refill sa kape dito kaya sa Mister Donut kami naglalaro ng Scrabble. Isa ring paboritong resto sa tapat ng Kaikan (medyo mahal) ay ang Asakuma Steak House. Paminsan minsan ay kumakain kami dito lalo na kapag katatanggap lang namin ng shogakukin. NGAYON, sushi na ang “in” sa mga Pinoy. Noon, kumakain lang kami ng sushi kapag may kompa sa lab. Ngayon, mura na ang sushi sa Japan , gaya ditto sa Sushi-ro – isang resto na may sushi na umiikot. Makakapili ka ng sushi na nais mong kainin.


Stress Reliever o Libangan. Pagkatapos ng isang linggong pag-re-research sa lab, kailangan naming mailabas ang stress. Kung hindi, baka mabaliw kami. NOON, sports (volleyball, basketball, bowling, biking) ang isang paraan para kami ay malibang lalo na tuwing Linggo. Madalas ay naglalaro kami sa Meidai Gym. NGAYON, napansin ko ay libangan ng mga Pinoy pagdating ng alas-singko ng hapon ay tumambay sa tapat ng Toyoda Hall at mag-picnic. Minsan nadaanan ko ang isang grupo ng mga NUGELP na estudyante na nag-se-selfie habang umaawit. Tiyak, i-a-upload yan sa YouTube.




Salo-Salo. Ang Pinoy ay tunay naman mahilig sa salo-salo. NOON, ako at si Daisy ang madalas na nag-o-organisa ng welcome party sa mga bagong dating na mga iskolar. Bawat Pinoy ay magluluto ng paboritong putahe (pansit bihon at kilain ang linuluto ko noon) at dadalhin sa Sakurayama Kaikan o sa bahay ng host (madalas sa apato ko o sa mansion ni Daisy). NGAYON, si Joyce, isang associate professor sa Meidai, ang taga-kontak ng mga Pinoy  tuwing may planong mag-get-together. Tuwang tuwa ako ng dumating ako sa Meidai noong Hunyo 2015, dahil nagsalo-salo ang mga Pinoy sa tapat ng Toyoda Hall. May beer, juice, coke, potato chips, kara-age at iba pa na pinapak namin sa malawak na hardin ng Meidai. Buhay pa rin ang pakikisama ng mga Pinoy sa Meidai. Itong samahang ito ang dahilan kung bakit na-iraraos ng mga iskolar ang matinding hamon at hirap na tapusin ang kanilang antas na pang-Master o pang- Doctor.


Kung ikukumpara ang buhay NOON at NGAYON, masasabi natin mas-magaan ang takbo ng buhay ngayon dahil sa teknolohiya. Subalit dahil din sa teknolohiya ay mas maraming bagay na nakaka-abala sa mga iskolar, hindi gaya noon na ang pag-aaral at homesick lang ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Ito ang bagong hamon sa mga bagong iskolar. Gamitin ang teknolohiya upang gumaan ang buhay sa Japan at makatapos sa pamantasan.

- Andy Oreta, 20 June 2015